Seaside51697944780
25 de agosto de 2024
Bago kayo mag book dito sa hotel, ang pinaka una nyong itanong ay kung meron bang kasabay na event. Nag book kami sa VIP room para makapag relax pero hindi naman kami nakapag relax. Nagulat kami pagkadating pa lang namin ay napaka raming sasakyan at tao, yun pala may kasabay na wedding. Hindi man lang kami ininform bago kami mag book na may makakasabay kaming event. Nung nasa front desk na saka sinabi na hindi available yung swimming pool. Hindi kami nakapag swimming kasi dun ginaganap yung event, hindi rin kami nakakain sa restaurant kasi maingay yung event. No choice kami kundi mag stay na lang sa room at magpa deliver ng food. Babawi na lang sana kami sa roof deck. 6pm pa lang nag sabi na kami mismo sa front desk na paki linis yung roof deck kasi maalikabok, kasi dun sana namin ipapadeliver yung food ng 8pm. Nag advance order na din kami. Kaso walang umakyat para maglinis. Nung nag deliver ng food bandang 6:30pm saka nalaman na wala palang ilaw sa roof deck. Nag tawag ng maintenance pero ang ending hindi rin nagawa yung ilaw. Imagine HINDI NA KAMI NAKAPAG SWIMMING, HINDI NA KAMI NAKAKAIN SA RESTAURANT TAPOS PATI SA ROOF DECK HINDI PA RIN? Tapos may tumutulo pa sa room kaya may basahan sa lapag. May tumutulo din sa ilalim ng lababo. Mygod nag book kami ng VIP na mahal para mag relax pero stress ang inabot namin. Mahina pa ang internet. Halos walang nagawa sa villa. Nabored lang kami. Nagsayang lang kami ng pera. Kaya mag isip isip muna kayo bago kayo mag book dito.
Traduzir